_Family_
Ang pamilya ko ay binubuo ng limang miyembro, ako ang panganay at mayroong bunsong
kapatid. Simple lamang ang aming pamumuhay. Sa aming araw-araw na pamumuhay may mga magaganda at masasamang pangyayari kaming kinakaharap. Ang pamilya ko ay hindi masasabing perpekto ngunit dahil sa kanila ako ay nagiging mas matatag na indibidwal.
Sa aming bahay buo kami na magkakasama may pagkakataon na umalis ang aking mama para magtrabaho sa ibang bansa, dito ko nalaman kung gaano kahalaga, kaimportante at kahirap na mawala siya saamin. Si papa, siya ang naghahatid sundo saamin sa pagpasok sa araw-araw, hindi siya nagkulang ng paalala at payo saaming magkapatid. Si mama at papa ang tumutulong sa akin sa panahon na ako'y may pagdududa sa aking mga kakayanan, sila ang nandyan para palakasin ang aking loob, nandyan sila para suportahan ako sa lahat ng aking mga gustong gawin, at hindi sila nagsawa na ipaalala sakin ang mga dapat at wag 'kong gawin. Ang aking bunsong kapatid naman ay laging nandyan sa tuwing meron akong mga problema na hindi ko ma-open sa aking mga magulang, siya yung laging nandyan at handang makinig sa aking mga kwento. Para saakin hindi ako buo kung wala sila, silang pamilya ko.
Ang aking pamilya ay matuturing ko na kayamanan.